IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Joey Marquez

Sa kanyang guest appearance sa 'Tunay na Buhay' kamakailan, game na naglaro ng 'Isang Mukha, Isang Tanong' ang basketball player-turned-actor at dating Parañaque City mayor na si Joey Marquez.
Sa nasabing laro, nagpakita ng mga larawan ng mga babae ang 'Tunay na Buhay' host na si Pia Arcangel at sinabi naman ni Joey kung sinu-sino ang mga ito sa buhay niya.
Ang ilan sa kanila ay mga aktres na dating nakarelasyon ni Joey, at ang isa ay naging ina ng apat sa kanyang 16 na anak, at ang isa naman ay ang kanyang current partner.
Kilalanin kung sinu-sino ang mga babae sa buhay ni Joey Marquez sa gallery na ito.









