TINGNAN: Arny Ross, sinorpresa ng dream house ng fiancé

'Kilig overload' ang 'Bubble Gang' star na si Arny Ross matapos siyang sorpresahin ng kanyang fiancé na si Franklin Banogon ng kanilang future dream house sa kanyang 30th birthday.
Ayon kay Franklin, isang taon niyang itinago kay Arny ang pagpaplano, contract signing, ground-breaking, design at construction ng kanilang future house.
Sulit naman daw ang paghihintay ng entrepreneur at vlogger nang makita niya ang reaksiyon ng nobya.
Sabi ni Franklin sa kanyang Instagram post, "Ang sarap mo pasayahin!
"Sobrang sulit lahat ng pagod, hirap, sacrifices, worth it lahat!!!"
Hindi pa roon natapos ang pasabog dahil naghanda si Franklin ng isang tropical chic-themed birthday dinner para kay Arny, na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang kaibigan.
Abot-abot naman ang pasasalamat ni Arny sa fiancé dahil sa kanyang mga sorpresa.
Bahagi ng Kapuso star sa Instagram noong July 20, "I had a blast! Thank you for the wonderful surprises my love @franklinbanogon.
"Mula paggising ko sa birthday ko hanggang matapos ang araw kahapon, bawat oras walang tigil sa sorpresa, 'di ko alam pa'no mo pinlano lahat despite of our busy schedule.
"Pero alam kong hindi magiging posible kundi rin dahil sa lahat ng suppliers kahapon, umaraw man o bumagyo, full effort n'yong ginawang maganda lahat ng surprises ni Bhabsi.
"'Di ko in-expect lahat ng 'to, I just wished for a simple kainan lang with my family, but you gave me the best day ever, Mahal, with the best GIFT ever. Thank you so much!"
Tingnan ang ilang larawan mula sa surprise birthday celebration ni Arny dito:









