IN PHOTOS: Mikael Daez and Megan Young's funniest moments

Mahigit dalawang taon nang kasal sina Mikael Daez at Megan Young kasunod ng sampung taong relasyon nila bilang magkasintahan.
Bukod sa pagiging sweet sa isa't isa, mapapansin din ang mga nakatutuwang sandali nina Mikael at Megan sa kanilang social media accounts.
Isa na rito ang cute na kuwento sa likod ng tawagan nilang 'Bonez' at 'Fofo.'
Ayon kay Mikael, nag-umpisa ito nang minsang subukan ni Megan na mag-pushups kung saan hindi naiwasan ng aktor na mapansin ang collarbones ng kanyang beauty queen wife.
Sa kaparehong araw, naikuwento ni Mikael kay Megan ang naging pagtatalo nila ng kanyang kuya kung saan sa halip na "mofo" ang sasabihin nito ay "fofo" ang nabigkas nito.
Tingnan sa gallery na ito ang ilan sa funny moments nina Mikael at Megan bilang mag-asawa.

















