advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Mikael Daez and Megan Young's funniest moments

1 of 18

Megan Young

Bukod sa pagiging sweet, kapansin-pansin din ang mga nakatutuwang asaran nina Mikael Daez at Megan Young sa isa't isa tulad ng larawang ito kung saan pasikretong kinuhanan ng aktor ng video si Megan habang nag-aalmusal.

2 of 18

True story

Noong November 22, ikinuwento ni Mikael Daez ang nangyari sa isang wedding-themed shoot nila ni Megan Young para sa trabaho.

"Sa mga photoshoot, hindi talaga maiwasan ang low energy. Staring in front of super bright lights for hours at a time can really make you feel woozy. On the flipside, sa sobrang excited ni Bonez sa mga wedding peg, hindi siya nawalan ng sigla."

3 of 18

Gutom

Isa ito sa hindi malilimutang sandali ni Mikael Daez sa naging trip nila ni Megan Young sa Phuket, Thailand. Ayon sa aktor, "As expected, PG ang ending namin!"

advertisement
4 of 18

Buhat

Maging si Mikael Daez ay tawang tawa sa larawang ibinahagi ni Megan Young kung saan buhat siya nito sa beach. Ayon kay Mikael, matapos niyang buhatin si Megan ay nagpabuhat din siya.

5 of 18

Swimming

Nasubukan n'yo na rin bang mag-swimming habang umuulan? Ito ang naging reaksyon ni Megan Young nang yayain siyang mag-swimming ni Mikael Daez habang umuulan.

6 of 18

Water

Biro ni Mikael Daez, "'Pag mainit ang ulo ni Bonez, add water to fix!"

Kuha ang larawang ito sa unang proyekto nina Mikael at Megan Young sa GMA, ang 'The Stepdaughters.'

advertisement
7 of 18

Throwback

Noong June 9, 2021, ibinahagi ni Mikael Daez ang throwback photo na ito nila ni Megan Young na kuha noong December 25, 2015.

Ani ni Mikael, "Chubby pa si Bonez at mapanga pa ako. Ngayon shmexy na si Bonez... [nariyan] pa rin ang panga ko."

8 of 18

Fear of heights

Dahil sa pagiging malululain ni Megan Young, hindi nito naiwasang matakot kahit pababa na ng escalator.

9 of 18

Frame

Ganito ang reaksyon ni Megan Young nang bigla siyang palanguyin ni Mikael Daez sa dagat.

Kuwento ni Mikael sa reaksyong ito ni Megan, "When we're finally there, biglang natakot siya sa lamig ng tubig! Kaya, [ito] ang ending naming dalawa. I will consider that final frame an expression of happiness that we're finally in the water."

advertisement
10 of 18

Kulitan

Hindi nawawala ang kakulitan ni Mikael Daez pagdating sa pagbibigay kasiyahan sa kanyang beauty queen wife na si Megan Young.

11 of 18

Night swimmers

Na-miss n'yo rin bang mag-swimming? Ani ni Mikael Daez sa larawang ito, "This is the first time that I've missed swimming."

12 of 18

Wedding

Hindi napigilang ibahagi ni Mikael Daez ang reaksyong ito ni Megan Young habang inaayusan siya para sa kanilang kasal.

advertisement
13 of 18

Pabuhat sa 2022

Kasabay ng kanilang 11th anniversary, may nakakatuwang post si Mikael sa kaniyang Instagram account kung saan makikita ang larawan nila ni Megan na naguunahan makasakay ng bangka.

"I want to go first, Bonez, buhatin mo ako this 2022'," caption ni Mikael sa kaniyang post.

14 of 18

Family bonding

Sa isang post, ikinuwento ni Mikael na miss niya na rin ang makabisita sa kaniyang mga magulang na kasalukuyang nasa Amerika at ang kulitan bonding nila ng kaniyang ina kasama si Megan.

15 of 18

Agawan food

Pagdating sa kanilang favorite snacks, bihira raw ang sharing at mas uso ang agawan.

advertisement
16 of 18

Impatso

Sa kauna-unahang pagkakataon, nalaman ni Megan Young ang ibig sabihin ng salitang "impatso" nang maransan niya mismo ito. Kuwento ni Mikael Daez, "In this unexpected moment, it seems I taught Boneezy a new word--'impatso.' Given the circumstances, she probably will never forget the meaning of this word."

17 of 18

Camiguin trip

Hindi naging madali ang adventure nina Mikael Daez at Megan Young sa Camiguin noong Abril. Kuwento ng aktor, "So we've been out of sea recently but our trip was accompanied by some crazy weather. The rain kept getting stronger and the winds got harsher. The rain felt like needles landing on us. I tried to stay happy while boneezy was protected by her garbage bag armor. Gotta keep smiling through the crazy times."

18 of 18

Wedding anniversary

Sa selebrasyon ng ikalawang anibersaryo nila bilang mag-asawa, ipinakita ni Mikael Daez ang nangyari matapos ang kanilang kasal. Sulat ng aktor, "Just to remind everyone how Boneezy feels about me... yes that is Boneezy, plakda po siya. She has fallen and stayed fallen in love with me. Haha!"

advertisement