IN PHOTOS: Allen Ansay's birthday dinner date with Sofia Pablo

Isang sweet dinner date ang pinagsaluhan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa isang restaurant sa Quezon City biglang pagdiriwang ng 19th birthday ng huli noong November 23.
Sa Instagram, ibinahagi ni Sofia ang isang video highlight ang bonding moments nila ni Allen sa nasabing birthday celebration.
Makikita rito ang sorpresang regalo ng aktres para sa kaarawan ng kanyang onscreen partner. Kabilang na rito ang isang NBA 2K23 PS video game, painting, at cute birthday cake.
Narito ang ilang mga larawan mula sa kanilang masayang birthday dinner date.












