Ruru Madrid at Bianca Umali, nag-enjoy sa 'relaxed' at 'raw' nilang magazine cover shoot

Cover stars sina Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa April issue ng local entertainment and lifestyle magazine na MEGA.
Sa naturang magazine feature, nagkuwento sina Ruru at Bianca tungkol sa iba't ibang bahagi ng kanilang buhay--mula pagiging isang showbiz couple, mga estilo nila sa pagtatrabaho, at maging ang personal na relasyon nila.
"Itong cover shoot na ito, dito nga namin mas napag-usapan kung ano ba'ng status naming dalawa, papaano kaming dalawa," sabi ni Ruru.
Lubos naman daw nag-enjoy si Bianca sa shoot nila dahil kakaiba ito sa mga nagawa na nila noon.
"It's very relaxed and it's more of 'yung raw na kami. It's very different from our usual covers and photoshoots na all glamed up and always fierce and all of that. Ito fun shoot lang," paglalarawan ng aktres.
Silipin ang ilang larawan nina Ruru Madrid at Bianca Umali na kuha mula sa cover features nila sa April issue ng MEGA rito:









