Cassy Legaspi on real score with Darren Espanto: 'Best friends talaga kami'

Nagsalita na ang Sparkle star na si Cassy Legaspi tungkol sa totoong ugnayan nila ng It's Showtime host na si Darren Espanto.
Kamakailan lang, confident na nagbigay ng pahayag si Cassy tungkol sa pagkakaibigan nila ni Darren.
Sabi ng Sparkle star, “It's so hard to explain what we have, pero best friends talaga kami.”
Ang sinabi ni Cassy ay tugma sa sinabi ni Darren sa hiwalay na interview.
RELATED CONTENT: Cassy Legaspi and Darren Espanto represent the Philippines at Disney's 'Elemental Country Day'
Bukod pa rito, nilinaw din ng dalaga na wala silang pinatatamaan ng kanyang Mommy na si Carmina Villarroel sa kanilang posts sa social media.
Kamakailan lang. naging usap-usapan si Darren nang ma-link siya sa co-star ni Carmina sa Abot-Kamay Na Pangarap na si Jillian Ward.
Kasalukuyang napapanood sina Carmina at Jillian bilang mag-ina sa hit GMA series na sina Lyneth at Analyn.
Samantala, si Cassy ay isa sa kambal na anak ni Carmina sa aktor na si Zoren Legaspi.
BALIKAN ANG MGA SWEET MOMENTS NINA CASSY LEGASPI AT DARREN ESPANTO SA GALLERY NA ITO:












