Pre-wedding photos nina Cong TV at Viy Cortez sa Balesin, kinakiligan ng fans

“PerfectCongViynation”
Ito ang perfect hashtag na napili ng celebrity vlogger couple na si Cong TV o Lincoln Velasquez at kanyang partner na si Viy Cortez para sa kanilang nalalapit na wedding.
Ngayong Linggo, April 28, inilabas ng Nice Print Studio ang pre-wedding photos nina Cong at Viy kasama pa ang kanilang anak na si Kidlat.
Kinunan pa sa Balesin Island sa Quezon Province ang mga larawan nina Cong at Viy kung saan makikita ang kanilang mala-pelikulang sweet moments.
“Nag-aya, Pinilit, Nagtampo, Sumama. I love you mommy @viycortez,” kuwelang caption ni Cong sa mga larawan nila ni Viy sakay ng mga kabayo.
Matatandaan na nito lamang February 2024, ipinasilip din nina Cong at Viy ang iba pa nilang pre-wedding photos na kinunan naman sa sikat na Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan.
Noong November 2022 pa engaged sina Cong at Viy, ilang buwan matapos manganak ni Viy sa kanilang panganay na si Kidlat o Zeus Emmanuel.






