KaladKaren's fiancé surprises her with a dreamy second proposal in London

Nakamit na ni KaladKaren, o Jervi Li sa totoong buhay, ang inaasam niyang wedding proposal mula sa kaniyang fiancé na si Luke Wrightson.
Una siyang na-engage noong 2020 sa kasagsagan ng lockdown at kuwento ni KaladKaren, nangyari ito sa mismong balkonahe ng apartment na tinutuluyan nila sa panahong iyon.
Ngunit hindi doon nagtapos ang sorpresa ni Luke dahil kamakailan lang ay isinagawa na nito ang kaniyang Proposal 2.0 at ginanap ito sa London, England.
Sa post ni KaladKaren sa kaniyang Instagram account, sinabi niyang “Heart is full, hand is heavy!”
“Luke and I got engaged in the middle of pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn't even have the chance to have a proper photoshoot until now,” sulat niya sa caption ng kaniyang post.
Inakala niya na ordinary prenup shoot lang ang mangyayari kaya sobrang gulat ng TV personality nang mag-propose uli si Luke sa kaniya.
“Sobrang gulat ko nang muli siyang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu Worth the wait! You make me the happiest, my love!” pagtatapos niya sa kaiyang post.
Tingnan ang dreamy proposal ni Luke para kay KaladKaren sa gallery na ito:









