Zeinab Harake, malaki ang pagbabago sa buhay dahil kay Ray Parks Jr.?

GMA Logo Bobby Ray Parks Jr and Zeinab Harake
Courtesy: Zeinab Harake (YouTube)

Photo Inside Page


Photos

Bobby Ray Parks Jr and Zeinab Harake



Nakaabang na ang napakaraming fans at netizens sa kasalang Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake.

Sa vlog na inupload ni Zeinab Harake na may title na "Tayo Muna," napag-usapan ng una at ni Ray ang tungkol sa kanilang mga plano para sa kanilang upcoming wedding.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, nabanggit ng vlogger na marami siyang na-realize at natututunan magmula noong maging partner niya ang basketball player.

Pahayag ni Zeinab, “Alam n'yo na-realize ko mula nung maging partner ko si Ray, adulting life talaga 'yung napasukan ko.

“Hindi ako puwedeng maiwan ng ka-mature-an… Okay din, hindi ako nagsisisi kasi happy naman ako,” dagdag pa niya.

RELATED CONTENT: Bobby Ray Parks Jr.'s daddy moments with Zeinab Harake's kids Lucas and Zebbiana

Kasunod nito, inilarawan ni Zeinab ang kanyang sarili sa tuwing wala at nasa tabi niya si Ray.

Sabi niya, “Sa totoo lang, kung alam n'yo 'yung Zeinab side, hindi ko kaya na ako mag-isa… pero kapag nandiyan si Ray siya na lahat gumagawa… pero tulungan naman.”

Nabanggit din ni Zeinab ang iba't ibang roles ni Ray sa kanyang buhay.

“Minsan fiancé, minsan tatay,” sabi ng vlogger.

Sa comments section, mababasa na napansin din ng subscribers at fans ni Zeinab ang mga pagbabago sa kanilang iniidolo.

Ayon sa isang netizen, “Ang laki ng pinagbago ni Zeinab, dati hindi sya ganyan nakakatuwa lang kasi sa wakas may taong nagparamdam sa kanya na kamahal mahal sya.”

RELATED CONTENT: Check out Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr. in their sweetest moments together:


Bobby Ray Parks Jr.
Sweet snaps
Japan
Beach
Tattoos
Beloved
Standards
Eyes
Gestures
Perfect
CamSur
Bonnie and Clyde
Proposal
Yes

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU