Celebrity Life

READ: Maricar De Mesa confirms breakup with American partner

By Al Kendrick Noguera
Published March 1, 2019 12:15 PM PHT
Updated March 14, 2019 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Maricar De Mesa, umamin na isa na siya ngayong single mom, "Kinakaya. I'm being strong about it."

Isa na ngayong single mom si Maricar De Mesa matapos silang maghiwalay ng kanyang American partner, ang ama ng kanyang one-year-old daughter na si Alianna Sky.

Maricar De Mesa
Maricar De Mesa

She's smiling. I'm melting ❤️ #AliannaSky

A post shared by Maricar De Mesa (@msmaricardemesa) on


Kinumpirma ng nagbabalik-Kapuso ang balitang ito sa media conference ng upcoming GMA Afternoon Prime soap na Dragon Lady kahapon, February 28

An intriguing tale of luck and love in GMA Network's 'Dragon Lady

Bagama't hindi pa rin pinangalanan ni Maricar ang kaniyang ex-partner, sinabi niyang isa itong American citizen na mayroong Filipino blood.

Kasalukuyang nasa Amerika ang ama ni Alianna Sky at nasa kustodiya naman ni Maricar ang bata rito sa Pilipinas.

LOOK: Is this the father of Maricar de Mesa's baby?

Aminado si Maricar na mahirap ang setup nila ng kaniyang partner noon dahil kailangan niyang magpabalik-balik sa Amerika sa loob ng halos tatlong taon upang magkasama sila.

"Differences sa culture namin and I guess it's the long-distance [relationship] din, hindi nakatulong," sagot niya nang tanungin kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila.

Kumusta naman ang pagiging isang single mom?

Sagot ni Maricar, "Kinakaya. I'm being strong about it. Sabi nga nila, iba kapag may anak.

“Hindi lang sarili mo 'yung naiisip mo kasi like before, I could care less. Sarili ko lang ang iniisip ko.

“Pero ngayon, ang priority 'yung bata."

Sa ngayon daw ay walang communication si Maricar sa kaniyang ex-partner, ngunit gumawa raw siya ng paraan upang regular na makita si Alianna ng kaniyang ama.

"'Yung bata kasi chine-check niya. May ginawa akong arrangement para makausap niya 'yung bata sa video call na hindi na dumidiretso sa akin," paliwanag ng aktres.

Anulled si Maricar sa kanyang dating asawa na si ex-PBA player Don Allado at hindi sila biniyayaan ng anak.

Maricar de Mesa says another woman caused her split with Don Allado