
Ibang level na ang panunuyo ni Juancho Trivino kay Joyce Pring dahil sa pag-aalaga nito sa nililigawang TV host.
WATCH: Joyce Pring, napaiyak si Juancho Trivino sa kanyang Valentine surprise
Isang mahabang appreciation post para sa Kapuso actor ang ginawa ni Joyce sa kanyang Instagram account.
Aniya, "Ilang linggo na na dire-direcho yung trabaho ko. Madalas may days na may Unang Hirit ako, shoot, then event sa gabi. So my day would start at 2AM, 4AM call time sa show, then after 8am usually may 11am call time for shoots, then 7pm naman for hosting events. I'm so grateful for work pero siyempre nakakapagod talaga.
"I just have to say na sobrang blessing sa 'kin si Juancho kasi wala siyang ginawa these past few months kung 'di alagaan ako and i-lift whatever load he can from me. Kung pwede nga siguro sya mag host para sa 'kin, or matutulog para madagdagan naman tulog ko, gagawin nya, or workout para sakin kasi wala na ako time, gagawin nya din."
Ikuwento rin ni Joyce ang biglang pagdating ni Juancho sa kanyang shoot na may dalang maraming pagkain.
"Kahapon dahil sobrang ngarag ng sched ko sinurprise nya ako sa GMA during my shoot na may dalang SOBRANG DAMING FOOD. Bukod dito, madalas nya ako pinagda-drive, sinasamahan sa hospital para bumisita kay Lola, siya nagwo-walk kay Bowie pag out of town ako, at marami pang iba. Oo! Ako na nga talaga!!!
"Maraming salamat @juanchotrivino kasi kahit na minsan natatakot ako na masyado mong ginagalingan, nakikita ko yung sincerity sa mga mata mo at ang nasasabi ko na lang, edi, ikaw na! Ikaw na talaga."
Juancho Trivino on first summer trip with Joyce Pring: "Kapit ka lang sa 'kin hindi ka malulunod"
IN PHOTOS: #JuanChoyce: Juancho Trivino and Joyce Pring "love" story