
Patuloy na naghahatid ng kilig ang #juanchoyce!
Sa isang Instagram video, makikita si Juancho na may dala-dalang manila paper na may nakasulat, na “Welcome home, Joyce."
Ayon sa aktor, hinihintay niyang makarating si Joyce Pring ng 2:00 a.m. para ihatid pauwi ang Kapuso host.
Sulat ni Juancho, “So heto 'yung background ng video na to.
“Si Joyce galing sa nakakapagod na work trip abroad then heto na dumating siya sa Pilipinas ng 2:00 a.m. She insisted on taking a cab home pero I said, 'Nope. Superman is here.'”
Nagbigay rin ng panliligaw tip ang aktor.
Aniya, “Be brave.. kahit muka na kayong, alam n'yo na, lakasan n'yo loob n'yo into making her feel special.
“Siyempre bonus na rin 'yung mapapatawa mo siya.
“Basta, always make sure they get home safely, ok boys?”