
Ilang kamag-anak at netizens ang pinakilig nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa nang sila ay maglaro sa pool.
Nagbakasyon ang pamilya nina Oyo at Kristine ngayong weekend. Enjoy na enjoy ang kanilang mga anak na magpahagis sa swimming pool kay Oyo.
Hindi naman din nagpaiwan si Kristine. Nagpabuhat at nagpahagis din siya sa kanyang asawa.
“As per request,” ani Oyo.
Sambit naman ni Kristine, “Para po sa inyong lahat ang hagis na 'to. Though na-enjoy ko rin naman kahit papano!”
Ang nakakatuwang lambingan ng mag-asawa, kinagiliwan din ng kanilang mga kamag-anak at tagasuporta.