Celebrity Life

EXCLUSIVE: Joyce Ching on preparing for a wedding: "Hindi kailangan extravagant"

By Aedrianne Acar
Published July 7, 2019 12:02 PM PHT
Updated July 7, 2019 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Joyce Ching gives wedding preparation tips to fellow brides-to-be.

Bukod sa afternoon soap niyang Dragon Lady, busy din ang Kapuso actress na si Joyce Ching sa kasal niya at ng kanyang non-showbiz fiancé na si Kevin Alimon.

LOOK: Joyce Ching is engaged!

A post shared by Joyce Ching (@chingjoyce) on


Ano kaya ang maipapayo niya sa mga tulad niyang bride-to-be tungkol sa paghahanda para sa kanilang dream wedding?

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Joyce sa GMA Artist Center folio shoot noong Huwebes, July 4, binigyang-diin niya na dapat alam ng couples ang 'goal' nila sa kanilang kasal.

Paliwanag niya, “Siguro first, alamin nila kung ano yung ano yung goal nila sa wedding.

“Ano yung gusto nila ma-achieve, makita, ma-feel sa wedding? Ano yung importante sa kanila?

“'Tsaka kasi, sobrang dami mong options may tendency na, 'Oh, ito gusto ko nito, ganyan-ganyan.'

“'Tapos in the end ay hindi pala 'yan yung gusto ko or hindi siya nakatulong sa importance ng wedding,”

Naniniwala din ang Kapuso actress na hindi mahalaga ang mga magarbong bagay para mapaganda ang isang kasal.

Wika ni Joyce, “Huwag magpabulag, hindi kailangan ng extravagant things to make a wedding beautiful.”

Matatandaang nag-propose si Kevin kay Joyce noong February 2019. Nagsimula ang kanilang relasyon noong October 2017.

Joyce Ching teases wedding gown in new vlog

WATCH: Joyce Ching, nagbigay ng update sa kanyang kasal kay Kevin Alimon