Celebrity Life

WATCH: Kailan umamin si Wil Dasovich na in love siya kay Alodia Gosiengfiao?

By Cara Emmeline Garcia
Published August 18, 2019 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ubod ng kilig ang hatid ng #Wilodia sa kanilang fans dahil sinagot na nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao ang ilang mga katanungan tungkol sa kanilang relationship.

Ubod ng kilig ang hatid ng #Wilodia sa kanilang fans dahil sinagot na nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao ang ilang mga katanungan tungkol sa kanilang relationship.

Isa rito ang tanong na ibinigay ni @VBletters na, "Most memorable bonding/date/moment/travel together?"

Para kay Alodia, ito raw ay nung nagpunta silang dalawa sa Malaysia kung saan sila nagkakilala.

Happy 2 years 💖 . More anniversary dinners #RoadTo... #BabyFats . 📷: Fuji XT30

A post shared by Alodia Gosiengfiao (@alodia) on

IN PHOTOS: The love of Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao

Japan naman ang sagot ni Wil sa kanyang kasintahan.

"Because that was the first time na sinabi ko sa kanya...it took me so long to say it," sagot ni Wil habang kinikilig.

Sambit ni Alodia, "I remember how it happened.

"Kasi we were sharing a room -- me, Wil, and Daniel [Marsh].

"Pagkalabas ni Daniel ng room, sinarado ni Wil 'yung door tapos biglang tumingin siya sa akin.

"[Sinabi niya] 'I think I'm falling in love with you.'"

At ika nga nila, the rest is history.

Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 2nd anniversary noong August 11, 2019.

Nagkakilala ang dalawa sa Malaysia nang pareho silang nominado sa Influence Asia Awards noong April 2017.

Panoorin ang buong Q&A vlog ni Alodia:

MUST-READ: Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao celebrate one year together