Celebrity Life

WATCH: Max Collins, inaming playboy ang first impression kay Pancho Magno

By Jansen Ramos
Published February 16, 2020 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Impresyon ni Max Collins Kay Pancho Magno: "No'ng una ko siyang nakilala, akala ko talaga playboy siya kasi..." Read more:

Binalikan nina Max Collins at Pancho Magno ang kanilang love story sa special Valentine feature ng GMA na Kapuso Love Stories.

Ani ng aktres, playboy ang first impression niya sa kanyang ngayo'y asawa.

"No'ng una ko siyang nakilala, akala ko talaga playboy siya kasi kalbo pa siya no'n and then no'ng nakilala ko siya, hindi pala."

Naglaho ang kanyang hindi magandang impresyon kay Pancho matapos niya itong makilala nang husto. Bahagi ni Max, "He has such a good heart, and para s'yang gentle giant. Mas nakikita ko 'yung side na 'yon 'yung pagiging malambing n'ya and then 'yung pagiging close niya sa familya n'ya and how important family is to him."

Ngayong kasal na at ready nang bumuo ng sariling pamilya, nagbigay sila ng mensahe para sa isa't isa.

Ani Pancho, "Sobrang proud ako sa kanya, being a mom, being a godly-person. Gusto kong sabihin sa 'yo na never kang mag-iisa dito, never ka namang nag-isa, lalo na kasama 'yung baby natin."

Sa mensahe naman ng soon-to-be mommy na si Max para sa kanyang asawa, sinabi niya, "You're a great husband and you sacrificed so much for us and I'm just really proud of you and I love you and I'm looking forward to building family with you."

READ: Max Collins is pregnant

Panoorin ang buong panayam sa Kapuso Love Stories video na ito: