
Regular daw ang video calls ng magkasintahan at kapwa Kapuso stars na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ngayong quarantine.
Ito daw ang naging main form ng kanilang communication habang hindi pa pwedeng masyadong magkita dahil sa banta ng COVID-19.
"Since bawal tayong bumisibita dahil nga minsan nagkakaroon tayo contact sa ibang tao na hindi natin alam kung carrier. Para maging safe, mas maganda 'yung bahay ka lang muna," pahayag ni Jak sa isang online interview kasama ang piling miyembro ng media, kasama ang GMANetwork.com.
Mahalaga daw para kay Jak ang constant communication sa panahon ngayon.
"Mahalaga po talaga 'yung communication lalo na ngayon na nagkaroon ng lockdown. Marami daw nag-break up, sabing ganoon. For me, hindi ko ma-gets kasi importante lang naman doon 'yung communication and trust sa isa't isa," bahagi ni Jak.
"Kung 'yun ang mawawala, feeling ko 'yun talaga 'yung magiging dahilan ng paghihiwalay. Una mawawala 'yung trust. pangalawa, mapa-praning 'yung partner mo kung anong gingawa mo kasi wala kayong communication. Feeling ko 'yun lang 'yung dalawang mahalaga ngayon new normal," dagdag pa nito.