GMA Logo Ryza Cenon and Miguel Antonio Cruz
Celebrity Life

Ryza Cenon thanks partner for serving as her emotional support during pregnancy

By Cara Emmeline Garcia
Published August 16, 2020 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
ONE Fight Night 40: Jackie Buntan set to defend title in rematch vs. Stella Hemetsberger
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Ryza Cenon and Miguel Antonio Cruz


Malaki ang pasasalamat ni Ryza Cenon sa kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz lalo na ngayong nagdadalantao siya.

Hindi napigilan ni Ryza Cenon na i-flex ang kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz sa Instagram ngayong buntis siya sa kanilang anak.

Ayon sa aktres, malaki ang hanga niya kay Miguel dahil sa haba ng pasensya at suportang ibinibigay sa kanya.

Lahad niya, “Flex ko lang ang katabi ko. Dada, thank you for everything. Sa mahabang pasensya sa mood ko, sa support mo sa akin, and lalo na sa love na ibinibigay mo sa amin ni baby boy.

“We're lucky to have you. Super responsible mo sa lahat. Kahit napakabusy mo sa work, lagi kang andyan para sa amin.

“Thank you so much. We love you, dada! @miguel.antonio.cruz.”

Flex ko lang sa katabi ko. Dada thank you for everything. Sa mahabang pasensya sa mood ko.😅 at sa support mo sakin and lalo na sa love na binibigay mo samin ni baby boy. We're lucky to have you super responsible mo sa lahat, kahit napaka busy mo sa work lagi kang andyan para samin. Thank you so much. We love you dada.😘🥰@miguel.antonio.cruz

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Unang ibinalita ng former Ika-6 Na Utos star na nagdadalantao siya noong July 1, 2020.

Kamakailan ay ipinakita niya ang latest sonogram ng kanyang anak at ramdam na ramdam ang kanyang tuwa nang makita ang mukha nito.

Saad ni Ryza, “Bored ka na sa loob baby boy? Konting tiis na lang ha. 'Wag mong kainin paa mo, okay?

“Excited na kami makita ka. Thank you for effortlessly bringing laughter and joy to us.”

Bored ka na sa loob baby boy? 😅 konting tiis nalang ha. Wag mong kainin paa mo ok? 🤪 Excited na kami makita ka.🥰 Thank you for effortlessly bringing laughter and joy to us.😘😆

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Ang ama ng kanyang anak na si Miguel Antonio Cruz ay isang cinematographer ng ilang Metro Manila Film Festival projects tulad ng “Mission Unstapabol: The Don Identity,” “My Little Bossings,” at “Enteng Kabisote 10 and the Abangers.”