
Ikinuwento ng 25-year-old Kapuso actress na si Kiray Celis na napag-uusapan na nila ng kanyang non-showbiz byofriend na si Stephan Estopia ang pagpapakasal.
Sa panayam ng GMANetwork.com, nabanggit rin ni Kiray ang kanilang plano na mag-migrate sa ibang bansa.
“Oo naman, 'yung mga kasal-kasal, ganun?” pagkumpirma ni Kiray.
“May plano siya mag-ibang bansa, e. Sabi ko, doon muna siya mag-work.
“Ako, chill lang ako rito kasi busy rin naman ako sa trabaho.
“Sabi ko, doon siya, tapos kapag nakaipon na ako nang pansarili ko, 'tapos nakaipon na siya nang pansarili siya, titira na lang ako sa ibang bansa.
“Doon na lang din ako sa kanya. Or depende kung magbago.”
Dagdag ni Kiray, nag-iipon na sila ngayon pero 30 years old pa niya balak magpapakasal at 32 years old magkakaroon ng anak.
“Pwede rin namang dito [sa Pilipinas], depende kung ano 'yung magiging sitwasyon,” paliwanag ni Kiray.
“Pero sabi namin, 'pag nakaipon na kami pareho sa isa't isa, pwede na.
“Pero 30 ako magpapakasal, tapos 32 ako kami mag-aanak.”
December 2019 nang maging magkarelasyon sina Kiray at Stephan.
Kiray Celis and her non-showbiz boyfriend Stephan Estopia. / Source: kiraycelis (IG)
Kiray Celis at non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia, paano nagkakilala?
Kiray Celis, may natutunan tungkol sa halaga ng pamilya ngayong quarantine