GMA Logo Aiko Melendez and Jay Khonghun
Celebrity Life

Aiko Melendez, naiyak sa anniversary dinner nila ni Jay Khonghun

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 30, 2020 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez and Jay Khonghun


Aiko Melendez on celebrating anniversary with boyfriend: "I thought it was just a simple dinner..." Panoorin kung ano ang nangyari sa celebration ng magkasintahan.

Hindi naiwasan ng batikang aktres na si Aiko Melendez na umiyak sa third anniversary dinner nila ni Zambales vice governor Jay Khonghun noong October 28.

Sa halip kasi na simpleng dinner, naghanda si vice governor Jay ng party kung saan imbitado ang malalapit nilang mga kaibigan at pamilya.

Sulat ni Aiko sa kanyang latest vlog, "I thought it was just a simple dinner. Little did I know, VG [vice governor] planned a surprise dinner with our families and friends."

"The place was filled with my favorite flowers."

Nang makita ni Aiko ang sorpresa ng kanyang boyfriend, hindi niya napigilan umiyak sa tuwa. Kasama rin kasi sa sorpresa ang kanyang anak na si Marthena at kanyang ina na si Mommy Elsie.

Aiko Melendez

Nagkaroon si Aiko Melendez ng tears of joy nang sorpresahin siya ng kanyang longtime boyfriend na si Zambales vice governor Jay Khonghun. / Source: Aiko Melendez YouTube Channel

Upang makasiguro na ligtas silang lahat mula sa banta ng COVID-19, lahat ng guest, pati na rin sina Aiko at Jay ay nakasuot ng face mask.

Panoorin ang nakakakilig na sorpresa na nagpaiyak kay Aiko dito:

Mapapanood si Aiko sa hit afternoon series na Prima Donnas kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Kendra, ang fiancée ng karakter ni Wendell Ramos na si Jaime.

Panoorin ang all-new episodes ng Prima Donnas simula November 9, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.