GMA Logo Kean Cipriano and Chynna Ortaleza
Celebrity Life

Kean Cipriano admits wife Chynna Ortaleza was his high school crush

By Jansen Ramos
Published December 6, 2020 5:50 PM PHT
Updated December 6, 2020 10:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Michelle Dee interested in auditioning to become a Victoria's Secret Angel?
Creating with the boundless soul of an artist
Singapore Oceanarium spotlights native seahorses through exclusive guided experience

Article Inside Page


Showbiz News

Kean Cipriano and Chynna Ortaleza


Kean Cipriano sa asawang si Chynna Ortaleza: “Bata pa lang ako, pinapanuod na kita..."

"Mabakit sa 'kin ang tadhana."

Iyan ang panimula ng actor/singer na si Kean Cipriano sa kanyang latest Instagram post. Dedicated ito ni Kean sa misis niyang si Chynna Ortaleza na nagdidiwang ng kanyang 38th birthday ngayong araw, December 6.

Sa post, binalikan ng Callalily frontman ang kanyang kabataan at inamin niyang high school crush niya ang kanyang ngayo'y maybahay.

A post shared by Kean Cipriano (@kean)

Sabi ni Kean, "'Yung joke na 'bata pa lang ako, pinapanuod na kita,' totoo 'yun sa 'kin."

Inalala pa niya ang panahong pinanood nila ng kanyang parents ang pelikula ni Chynna noong 2004 sa isang mall.

Pagbabalik-tanaw pa ni Kean, "Naaalala ko birthday ko dati, pinanuod namin ng parents ko 'yung pelikula na Kuya sa Ever Gotesco. Crush na crush kita sa pelikula na 'yon. Isa 'yon sa paborito kong barkada film.

"Tapos ngayon.. kasama na kita almost every single second ng buhay ko."

Sa dulong bahagi ng post ni Kean, ibinahagi niya ang kanyang birthday message para kay Chynna.

Saad niya, "Happy Birthday my love @chynsortaleza! You deserve to be happy. Praying for good health, wealth, peace of mind and calmness.

"Andito lang ako palagi para sa 'yo.

"I love you!"

Taong 2015 nang aminin nina Kean at Chynna ang kanilang relasyon. Ikinasal sila matapos ang dalawang taon.

Sa ngayon, may dalawang anak na ang celebrity couple na nagngangalang Stellar at Salem.