GMA Logo Chito Miranda and Neri Naig
Celebrity Life

Chito Miranda, anim na taon nang kasal kay Neri Naig; panay papuri sa misis

By Jansen Ramos
Published December 13, 2020 4:02 PM PHT
Updated December 14, 2020 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda and Neri Naig


Inisa-isa ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Mirada ang magagandang ugali ng kanyang misis na si Neri Naig sa kanilang 6th wedding anniversary.

Ipinagmalaki ni Chito Miranda ang kanyang maybahay na si Neri Naig sa kanyang Instagram account noong Sabado, December 12, isang araw bago ang kanilang 6th wedding anniversary.

Panay papuri ang Parokya Ni Edgar frontman sa dating aktres habang inisa-isa niya ang magagandang ugali nito.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


"Pic pa lang, alam na ng lahat na nagyayabang ako eh...no explanation needed," bungad ni Chito sa kanyang caption, kalakip ng larawan ni Neri.

Patuloy niya, "Obvious naman na pinagmamalaki ko kung gaano kaganda ang asawa ko, at kung gaano ako kaswerte na pinakasalan n'ya ako.

"Pero aside sa pagiging maganda, mas proud ako for the things na hindi nakikita sa picture."

Ayon kay Chito, hinahanggan niya ang pagiging mapagbigay ni Neri sa kanyang kapwa.

Aniya, "Sobrang bait n'ya talaga.

"Talagang gusto n'ya makatulong sa lahat ng pwede n'yang tulungan.

"Madiskarte, pero may malasakit...hindi 'yung sarili lang ang iniisip.

"Gusto n'ya talaga na umunlad lahat...kumbaga, hilahan pataas."

"She strives for excellence and success without having the need to put others down."

Aminado si Chito na istrikto si Neri pero bilib siya kung paano ito magpatawad.

"Strict (SOBRA), pero grabe din mag-spoil," pag-amin ng band vocalist.

Dugtong niya, "Napaka-sweet. Napaka-considerate. Napaka-forgiving and patient...trust me, I know (but don't mistake her kindness for weakness)."

Kahit marami nang na-achieve si Neri pagdating sa pagnenegosyo, sinabi ni Chito na willing pa rin itong matuto, bagay na kanyang nagustuhan sa asawa.

Sabi ni Chito, "Matalino, pero always willing to listen.

"Fearless, pero humble enough to acknowledge the fact that she still has a lot to learn.

"Hardworking. Hindi maarte. Mas gusto mag-trabaho at mag-ipon, kesa gumastos."

Dugtong pa ni Chito, kalakip ang peace sign at angel emoji, "Masarap mag-luto, and higit sa lahat, masarap hehe!

"Aminin n'yo, naka-jackpot ako."

Pagtatapos pa niya, "Aminado talaga ako that I am blessed to have her as my wife."

Samantala, nagbigay din ng mensahe si Neri sa kanyang mister sa wedding anniversary nila sa pamamagitan ng isang Instagram post.

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Sa nasabing post, nagpasalamat si Neri sa pagiging "the best husband, the best father," at "best friend" ni Chito.

Saad pa ni Neri, "Palagi mo akong pinapatawa, you wiped my tears, watched me succeed, saw me fail.

"Palagi kang nasa tabi ko at 'di ako pinapabayaan.

"Andito ka palagi para gabayan ako, pagsabihan ako, at higit sa lahat ay mahalin ako ng buong buo.

"You are the dream husband every girl wants to have pero ako yung maswerte to have you all for myself."

Ikinasal sina Chito at Neri noong December 13, 2014.

Isinilang ni Neri ang kanilang anak na si Miggy noong November 2016.

Tingnan ang ilang cute photos ng kanilang little boy dito: