
Isang Lie Detector Challenge ang bagong vlog sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo. Tampok dito ang celebrity doctor at ang asawa niyang si Dr. Hayden Kho.
Bago gawin ang challenge, mapapanood ang kulitan at sweetness ng dalawa.
Paliwanag ni Vicki ang totoong lie detector machine ay sinusuri ang “blood pressure, heart rate, at perspiration” para matukoy kung totoo ba o hindi ang kanilang isinasagot sa bawat tanong.
Sa pagkakataon ito at dahil isa lamang itong katuwaan, ginamit ng celebrity couple ang laruan ng kanilang unica hija na si Scarlet Snow.
"If your partner is telling a lie, makukuryente siya," ani Vicki na natatawang sinagot ni Hayden na "bakit sa akin ka nakatingin?"
"Matagal ko nang gustong i-test 'tong Hayden na 'to kasi napakagaling talaga, napaka inosente ng mukha 'di ba? This is my chance. Kaya lang sana walang pikunan, kasi matagal na kaming hindi nag-away. "
Hirit naman ni Hayden "pumirma muna tayo ng kontrata na walang away, after."
Sino kaya ang nagsasabi ng totoo at sino ang nagsisinungaling?
Isa sa mga tanong ay kung gusto pa nilang magkaanak muli. Unang sumagot si Hayden sa challenge. Aniya, gusto niya ulit magkaanak. Nakalapat na sa lie detector machine ang kamay nito nang sundan ng tanong ni Vicki na kung kanino niya gustong magkaanak.
Sa huli, nakuryente si Hayden na ang ibig sabihin ay nagsinungaling ito.
Giit niya, gusto niyang magkaroon ulit ng isa pang anak pero natakot siya sa kasunod na tanong ng asawa niya.
“Nakakatakot kaya, 'With whom?',” aniya.
Ganting biro naman ni Dra. Vicki: “Kaya nga 'yun ang tanong ko. If you want more children hindi na pwede sa 'kin so hindi ko alam kung kanino. Mag-aano ka ba dyan sa labas, ganon, or what. Hihintayin mong mamatay ako?”
Dr. Vicki Belo YouTube channel
Nang si Vicki na sumagot ng parehong tanong, “yes” din ang isinagot niya pero nakuyernte rin siya sa huli.
Ayon kay Hayden, payag umanong magkaroon ng kapatid si Scarlet kung baby brother ito.
“'Pag tinanong kasi namin si Scarlet kung gusto pa niya ng kapatid sasabihin niya, 'As long as he's a brother. 'Wag lang daw sister, brother.
“Kaya 'yung house na binuild namin, kulay blue 'yung extra room para just in case,” aniya.
Source: Dr. Vicki Belo YouTube channel
Naging mas exciting naman para sa mag-asawa ang next set of questions kabilang na ang “Do you still find me attractive?” at "Are there any secrets you're still keeping from me?"
Panoorin ang naging resulta ng lie detector challenge at alamin kung sino nga ba ang nagsisinungaling? Magkakapikunan kaya ang mag-asawa?
Samantala, silipin ang adventure-filled New Year nina Vicki, Hayden, at Scarlet Snow sa gallery na ito: