
"Speechless" at walang paglagyan ang kasiyahan ni Golden Cañedo nang makatanggap ng sweet surprise mula sa kanyang US-based boyfriend na si Martin Raval para sa kanyang 19th birthday kahapon, April 5.
Sa latest Instagram post ng The Clash Season 1 winner, makikita ang mga regalong ibinigay ng kanyang nobyo sa tulong ng ina ng mang-aawit.
Nakatanggap ng dalawang bouquet ng bulaklak, mga lobo, teddy bear, at mga cake na magandang isinet up sa compartment ng sasakyan ni Golden.
Ayon sa caption ni Golden, pinaka-memorable niya iyong birthday dahil sa mga sorpresa ni Martin.
Samantala, ibinahagi naman ni Martin ang kanyang birthday message para kay Golden na tinawag niyang "best girlfriend ever" at "my queen."
Mensahe ng non-showbiz guy, "Happy 19th Birthday babeeee! I love you and miss you a lot.
"You're the best girlfriend ever and today is so special for you.
"You never fail to make me happy and smile.
"I always tell you that you are my queen and you are perfect. Continue to pray to God and he will guide us both. I love you."
Base sa Instagram bio ni Martin, nag-aaral siya ng pre-med sa Florida State University at nakatakdang magtapos sa 2023.
Ayon pa rito, CEO si Martin ng isang production company at ng processing service company na pinangalan sa kanya at kay Golden.
Matagal na palang tagahanga ni Golden si Martin. Noong 2017 unang nag-message ang binata kay Golden sa social media account nito ngunit hindi ito napapansin ng Kapuso star.
Hanggang sa nagkaroon ng concert ang Studio 7, kung saan kabilang si Golden, sa New York noong 2019.
Hindi na pinalampas ni Martin ang pagkakataong iyon para ma-meet nang personal si Golden at doon na nga nagsimula ang mga palitan nila ng messages sa Instagram.
Opisyal na naging magkasintahan ang dalawa noong August 14, 2019.
Tingnan ang sweet photos nina Golden at Martin dito: