GMA Logo Kean Cipriano and Chynna Ortaleza
Celebrity Life

Chynna Ortaleza, bakit gustong bigyan ng medal ang asawang si Kean Cipriano?

By Jansen Ramos
Published May 18, 2021 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kean Cipriano and Chynna Ortaleza


Chynna Ortaleza on husband Kean Cipriano: "My moods, my character are not easy to live with so my husband adjusts every day."

Naniniwala si Chynna Ortaleza na mayroong magandang naidulot ang pandemya sa kanyang pagiging ina sa kabila ng mga pagsubok bunsod nito.

Sa online media conference ng Kapuso moms kung saan kabilang si Chynna, ibinahagi niya na mas naramdaman niya ang magnitude ng pagiging nanay sa dalawa niyang anak na sina Stellar at Salem.

Aniya, "Taong-tao ako sa panahon na 'to at lahat ng nararamdaman ko, 'yung pagiging nanay ko, magnifies it more kasi, siyempre, 'yung fears na nararamdaman ko every single second na kailangan kong iproseso ay hindi biro.

"Konting maliit na aksidenteng nangyayari sa kanila, ibang klase 'yung pakiramdam ko, takot na takot ako na ilalabas ko sila sa bahay kung sakali pero kailangan ko kasi 'yon i-battle e.

"Ayoko naman 'yung tipong ayaw kong [dalhin sila sa ospital kapag] may mangyari sa kanila, kawawa naman 'yung mga bata.

"So yung strength ko bilang babae, lalo pa s'yang naging 360, bakit?

"Kasi nalaman ko na pwede ka pa rin maging nanay kahit na lugmong-lugmo ka."

Hindi raw tumanggap ng trabaho si Chynna dahil sa takot lumabas sanhi ng COVID-19.

Dahil dito, mas nagkaroon ng time ang aktres na iproseso ang kanyang emosyon na nakatulong daw para lalo siyang maging mabuting ina.

Patuloy niya, "Sa totoo lang, every day, na-tse-check mo 'yung sarili mo na parang nagre-reverse 'yung progress ko.

"Bakit parang may mga days na ayaw ko na so kailangan kong i-push forward 'yung sarili ko kasi hindi ako pwedeng mag-crumble dito.

"'Yun ang blessing for me ng pandemic, 'yun ang combination na feeling mo you're so strong and really understanding why you're strong because of all the things you have to battle and all the bad things that you have to digest every single day, or the bad news you have to digest, you just have to keep ongoing.


"Mas lalo akong naging in tune sa sarili ko so dahil siguro do'n, mas naging mabuting tao ako so naging mas maayos na nanay pa ko, parang 'yun 'yung nagiging proseso ko."

Malaki rin daw ang naitulong ng kanyang asawang si Kean Cipriano para maisagawa niya nang maayos ang kanyang duties bilang ina.

Ani Chynna, na-discover niyang mas lumawak ang pang-unawa ng Callalily frontman and actor sa kanya.

Ika ng Kapuso star, "Kaya niya mag-adjust. kaya n'ya po akong intindihin.

"I'm not the easiest person to live with, honestly.

"My gosh, my moods, my character are not easy to live with so my husband adjusts every day and is able to understand me every day but, at the same time, para ko s'yang tatay 'pag feeling n'ya he's just getting his way out of hand.

"Masyado na talaga s'yang sinakop ng pagka-pessimist n'ya kasi gano'n ako, 'di ba.

"Pinanganak akong pessimist, guys. Hanep naman, gusto ko s'yang bigyan ng medal.

"Thank you talaga. Kinakaya mo."