
Nakitambay kahapon, August 2, si Kapuso actor Tom Rodriguez sa GMA Entertainment Viber community at nakipagkuwentuhan sa kanyang mga tagahanga.
Sinagot din ni Tom ang ilan sa mga katanungan ng kanyang fans tungkol sa karakter nito sa GMA series na The World Between Us bilang si Brian.
Marami sa fans nito ang curious kung totoo nga ba ang ear piercings ng aktor sa serye.
"Totoo ba 'yung mga piercing ni Brian?" tanong ni @Joy.
"Curious rin akooo!" dagdag pa ni @WB.
Agad naman itong sinagot ng aktor na may kasamang laugh emojis, "Fake laaaang... magugulat si misis kapag totoo!"
Marami sa fans ni Tom ang kinilig sa sagot niyang ito na tumutukoy sa nobya niyang si Carla Abellana.
Kuwento pa ni Tom, "Pero nu'ng bata ako may piercing ako isa from my dad... kaso pinatanggal ng mga madre sa school kaya sumara 'yung butas."
Pabirong tanong naman ni @WB, "Hahahaha si dad mo nag-pierce sa 'yo? Rebelz ah!"
"Yeah nu'ng gradeschool ako meron s'yang piercing gun at piercing din," sagot naman ni Tom sa kanyang fan.
Nagbigay rin ng mensahe si Tom para sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya sa The World Between Us.
"Thank you sa pagsuporta and I'm glad na they seem engaged and engrossed sa kwento like I said before... ok na ok lang na mainis kayo kay Brian basta't alam n'yo lang kung saan s'ya nanggagaling at 'wag tularan 'yung mga mali n'ya," pagpapasalamat ni Tom.
Samantala, kasalukuyang nasa lock-in taping pa rin si Tom para sa The World Between Us, gayundin si Carla para sa upcoming show nito na To Have and To Hold.
Patuloy na mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m sa GMA Telebabad.
Alamin ang cast ng The World Between Us sa gallery na ito: