
Malapit nang magbalik telebsiyon ang aktor na si Juancho Triviño matapos niyang aminin na nagtrabaho siya sa isang BPO company noon.
Ayon kay Juancho, mahihirapan siyang mawalay sa kanyang asawa na si Joyce Pring at sa kanilang one-month old baby na si Alonso Eliam.
Saad ni Juancho sa 24 Oras, "Ako ang perspective ko siyempre, ibang iba na. Sa mga oras na kailangan kong lumabas ng bahay para asikasuhin 'yung mga errands, gustong gusto ko na umuwi agad para makasama sila."
Kamakailan, bago tumungo sa lock-in taping, sinorpresa ni Juancho si Joyce ng isang romantic dinner date sa kanilang bahay upang pasasalamat.
"Siya 'yung up until now, one month, halos wala pa ring tulog," paliwanag ni Juancho.
"Grabe, nakakabilib siya, nakakabilib 'yung persistence niya, 'yung patience niya kay Liam.
"So doon talaga ako walang masabi sa kanya."
Sa isang Instagram post, nagbahagi si Joyce ng isang larawan kung saan makikitang nagbe-breasfeed siya samantalang natutulog si Juancho.
Sulat ni Joyce sa caption, "Now you know bakit laging galit mga nanay natin...kami kasi 'yung laging walang tulog."
Bukod kay Alonso Eliam, kilalanin ang iba pang celebrity babies na isinilabgn ngayong 2021 dito: