GMA Logo Dingdong Dantes and Marian Rivera
Celebrity Life

Marian Rivera, binalikan ang isang highlight ng kaniyang career kasama si Dingdong Dantes

By Maine Aquino
Published September 1, 2021 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Marian Rivera


Alamin kung bakit umiyak si Marian Rivera habang nagti-taping ng 'Dyesebel' at kung ano ang ginawa ni Dingdong Dantes para sa kaniya.

Isang magandang alaala ang binalikan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang sila ay nagtambal sa seryeng Dyesebel.

Ito ay kanilang pinag-usapan sa ginanap na GMA Pinoy TV FunCon nitong August 25.

Ang nagbukas ng kuwentong ito ay si GMA Network Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable.

Ayon sa GMA Executive, nakita niyang umiyak si Marian sa taping dahil sa pagod. Si Dingdong naman ay tahimik na inalalayan ang aktres.

"While she was resting on the bangka with Dingdong, kitang-kita mong sobra siyang pagod. Pero hindi mo siya maringgan na magreklamo o magwala dahil gusto niya yung ginagawa niya. Gusto niya ng magawa ng maayos. Out of sheer exhaustion, she just cried her heart out on Dingdong's shoulder. She was just sobbing and Dingdong was just quiet. Just letting her release whatever tiredness she had."

Pagkatapos ni Marian marinig ang kuwentong ito ay inamin nitong hindi niya malilimutan ang sandaling ito sa kaniyang showbiz career.

"Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang isang highlight na 'yun sa buhay ko. Na sobrang hirap at pagod na pagod talaga ako noong araw na 'yun."

Dingdong Dantes and Marian Rivera

Photo source: @dongdantes

Saad ng Kapuso Primetime Queen, magkatambal man sila noon sa Dyesebel ay hindi pa sila close noon ni Dingdong.

"Hindi ko alam e kasi hindi naman kami masyadong close. Talagang napasandal na lang ako sa kaniya. Tapos si Dong wala kang maririnig sa kaniya."

Habang tahimik raw si Dingdong sa kaniyang tabi ay na-realize ni Marian na magiging okay siya dahil ramdam niya ang pag-alalay nito sa kaniya.

"Ah okay, magiging okay ako. Malaking factor 'yun na hindi siya nagsalita. Sumandal lang ako. Umiyak lang ako. Wala akong narinig na salita pero hindi ko makakalimutan yang highlight na 'yan."

Inamin naman ni Dingdong na nakita niya ang pagmmamahal nila sa kanilang trabaho sa araw na yun.

"Very important sa amin yung araw na yun kasi siyempre bukod sa nahirapan siya sa ginagawa niya, wala naman akong magawa kasi siya yung nakasuot ng buntot e. Nalaman namin kung gaano namin kamahal yung trabaho namin. Pero higit sa lahat paano yung respeto namin sa isa't isa noon pa lang."

Binigyang halaga rin ng Kapuso Primetime King ang kanilang nabuong respeto sa isa't isa dahil sa sandaling ito.

"Malaki ang respeto namin sa isa't isa at kung paano namin ginagalang 'yung craft. Pero higit sa lahat how much we're there for each other as human beings."

Saad pa ni Dingdong ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.

"Siyempre ganon naman talaga dapat tayo. Kapag may nahihirapan, tutulungan."

Balikan ang kanilang kuwento sa video na ito mula sa GMA Pinoy TV:

Mapapanood overseas sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Endless Love, Tadhana at Amazing Earth sa GMA Pinoy TV! Bisitahin lang ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye!

Samantala, balikan ang nakakakilig na photos nina Dingdong at Marian sa gallery na ito: