GMA Logo Bea Alonzo
Celebrity Life

Bea Alonzo, umaasang si Dominic Roque ang kanyang 'the one'?

By Dianne Mariano
Published September 2, 2021 7:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


“Siyempre, hindi ako papasok sa isang relasyon kung hindi seryoso, so sana.” - Bea Alonzo.

Ibinahagi ni bagong Kapuso Bea Alonzo na sana ang boyfriend niyang si Dominic Roque na ang “the one.”

Sa panayam ni Cata Tibayan ng 24 Oras, sinabi ng award-winning actress na hindi siya pumapasok sa isang relasyon kung hindi naman ito seryoso.

“After yata ng mga pinagdaan natin sa buhay. I won't take it lightly.

“Siyempre, hindi ako papasok sa isang relasyon kung hindi seryoso, so sana,” sagot ni Bea.

Mas confident na rin daw ngayon ang aktres sa mga desisyon niya pagdating sa career, love life, at personal goals.

Mayroon din mga nagtatanong sa bagong Kapuso actress kung handa ba ito mag-settle down.

Aniya, “Naniniwala kasi ako na kanya-kanya tayong timeline. So sa ngayon, parang it's too early to tell kung kailan.

“I want to take it one day at a time, parang feeling ko ngayon I'm still enjoying this stage.”

Noong August 3, nakabalik na ng bansa si Bea Alonzo mula sa kanyang nakatutuwang bakasyon sa U.S. kasama ang nobyong si Dominic Roque.

Matapos ang ilang araw, kinumpirma na ng aktres sa 24 Oras ang relasyon nila ng aktor at sinabing nag-iingat lamang ito dahil sa kanyang past experience.

Samantala, muling kiligin at tingnan ang sweetest moments nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa gallery na ito: