
May nakakakilig na mensahe si Kapuso actor Oyo Boy Sotto para sa kaniyang asawang si Kristine Hermosa na nagdiriwang ng kaarawan ngayon (September 9).
Sa kaniyang instagram post, nagpasalamat ang aktor kay Kristine sa sakripisyo at pagmamahal nito sa kanilang pamilya.
Agad naman na nag-comment si Kristine sa post na ito ng asawang si Oyo: “ramdam na ramdam ko. (heart and crying emoji) I LOVE YOU!”
Nagpahatid din ng pagbati ang ilan sa mga kaibigan at kapwa artista ng dalawa tulad nina Kapuso hunk actor na si Rodjun Cruz, Eat Bulaga Host na si Ryan Agoncillo, at aktres na si Maxene Magalona.
Sa ngayon ay abala rin ang mag-asawa sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang limang anak kabilang na si Baby Vittorio Isaac Sotto na ipinanganak ni Kristine nito lamang August 3, 2021.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang ageless beauty ni Kristine Hermosa sa kabila ng pagiging mother and wife: