
Ibinahagi ni Bettinna Carlos ang dapat na maging mindset ng isang babae, lalo na ng single moms tulad niya, sa pagpasok sa isang relasyon.
Sa latest vlog ni Bettinna, isa sa mga tanong na sinagot niya ay kung paano nagkasundo at tinanggap ng kanyang asawa at anak ang isa't isa. Anak ni Bettinna si Amanda Lucia "Gummy" Carlos sa dati niyang naging karelasyon.
"Sa simula pa lang ng dating dapat ang mindset natin ay hindi lang tayo naghahanap ng asawa kundi ng ama ng anak natin. Because the truth is sometimes when we are dating we focus so much on the man being the man of our dreams.
"The reality is, specially for our case, as single moms dapat alam nu'ng potential mate natin 'yung buong picture na pinapasok nila. They should know and they should be ready that when they marry us they don't just become our husbands, they also become instant daddies.
Ibinahagi rin ni Bettinna na kahit na noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ng asawang si Mikki Eduardo ay agad na niya itong ipinakilala sa kanyang anak.
"Early on pa lang nang friendship namin ni Mikki, ipinakilala ko na sila sa isa't isa. I let them get to know each other on their own. Na hindi ako nagma-manipulate, na hindi ko binibida 'yung isa roon sa isa pa.
"Gusto ko ring makita, ano ba talaga 'yung character nitong lalaking ito pagdating sa anak ko. Because remember our marriage decision should be for the best interest of our child also. Kaya ba niya mahalin 'yung anak ko? May natural affection ba siya sa anak ko?"
Dagdag pa ni Bettinna, bukod sa pag-alam sa katangian ng isang lalaki dapat na isaalang-alang din ang saloobin ng anak tungkol sa lalaking nais mong makarelasyon.
"And the same way, 'yung anak ko nakikita niya ba 'yung taong ito as someone that she can get along with. Can she respect this person? Ano 'yung mga katangian nitong taong ito na titingalain ng anak ko? Mayroon ba? Iyon 'yung mga bagay na dapat pinagmamasdan natin," dugtong pa ni Bettinna.
Pero paano nga ba nalaman ni Bettinna na si Mikki na ang tamang lalaki para sa kanya?
"If magki-click sila ng anak ko dahil napakaimportante sa akin nu'n. Ayoko na 'yung desire ko for this person ay ma-over power 'yung pagkakaroon ng peaceful and good family ng anak ko. Kasi what if ako lang 'yung may gusto sa taong ito pero hindi pala niya kaya makasalamuha 'yung anak ko. Hindi niya pala kayang itrato bilang kanya 'yung anak ko. Iyon ang pinakaimportante dahil hindi lang ako magiging asawa, magiging tatay rin siya nitong anak na hindi naman talaga kanya," pagpapaliwanang ni Bettinna.
Bago pa man ikasal sina Bettinna at Mikki noong December 2, 2020, una nang hiningi ni Mikki ang pagsang-ayon ni Gummy na maging tatay siya.
Samantala, balikan ang ilan sa kilig photos nina Bettinna at Mikki sa gallery na ito: