GMA Logo bea alonzo and dominique roque
Celebrity Life

'Not My Hands Challenge' vlog nina Bea Alonzo at Dominic Roque, nauwi sa away?

By Jimboy Napoles
Published September 20, 2021 6:58 PM PHT
Updated September 20, 2021 7:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo and dominique roque


“Oh, no! Mapapaso tayo 'pag ganun," paalala ni Dominique Roque kay Bea Alonzo. Panoorin ang pangyayaring ito rito:

Nasubukan ang coordination ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa "Not My Hands Challenge" sa September 18 vlog ng Kapuso actress.

Ang rule ng challenge, kailangang makagawa sina Bea at Dominic ng masarap na french toast, pero hindi ang sarili nilang mga kamay ang kikilos at gagamitin kundi ang mga kamay ng kanilang partner, na nakapuwesto sa kanyang likod.

Unang sumalang si Dominic, na smooth sa umpisa pero habang tumatagal ay nangalay na ang kamay ng aktor sa pagsunod sa instructions ni Bea. Naparami tuloy ang lagay niya ng vanilla extract sa ginagawa nilang mixture.

“Oh no!!! no talaga, don't do that in your homes. I'm sorry, I'm very clumsy” sigaw ni Bea.

May pa-quotable quote pa ang aktres dahil sa pagkakamali ni Dominic.

"Life is all about mistakes and how to overcome them," aniya.

Sunod na sumalang sa challenge si Dominic, na magbibigay ng instructions kay Bea. Dahil hindi niya nakikita ang ingredients, hindi naiwasan ng aktres na maging makalat sa ginagawang french toast. Napasobra pa siya ng lagay ng butter sa pinapainit na pan.

“Ay! Ayoko ngang ilagay dahil too much butter kaya ko nga hiniwa.” sigaw ni Dom.

Nagpatuloy pa sa pagluluto ang dalawa, pero habang nakasalang ang bread sa pan muntik nang mapaso si Bea.

"Oh, no! Mapapaso tayo 'pag ganun, 'di tayo dapat pabigla-bigla kasi baka mag-away tayo mamaya." pag-aalala ni Dom.

Kahit nahirapan, masayang tinapos ng celebrity couple ang challenge. Satisfied din sila sa kinalabasan ng kanilang french toast.

Sa kasalukuyan mayroon ng mahigit one million views ang vlog na ito ni Bea. Ito na ang ikatlong vlog ng aktres na kasama si Dominic, pagkatapos ng kanilang travel vlog sa California.

Panoorin ang nakakakilig na vlog na ito, dito:

Samantala, tingnan ang sweet photos nina Bea at Dominic dito: