GMA Logo Kris Bernal and Perry Choi
Photo source: @krisbernal
Celebrity Life

Kris Bernal at Perry Choi, nag-react sa mga nagsasabing sila ay #RelationshipGoals

By Maine Aquino
Published September 24, 2021 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal and Perry Choi


Ano kaya ang nasabi nina Kris Bernal at Perry Choi sa mga comments na sila ay #RelationshipGoals?

Sa bagong vlog ni Kris Bernal ay nagbigay siya at ang kanyang soon-to-be husband na si Perry Choi ng kanilang reaksyon sa mga tumatawag sa kanila na #RelationshipGoals.

Ayon kay Perry, walang perfect na relationship. Kailangan lang na huwag ibahagi sa publiko ang lahat ng nangyayari sa isang relasyon.

"'Di totoo 'yan, kanya-kanya 'yang relationship. Kanya-kanyang problema. Sarili ninyong i-solve ang problema, 'wag n'yong isama ibang tao."

Kris Bernal and Perry Choi

Photo source: @krisbernal

Sumang-ayon naman si Kris at sinabing, "Bawal i-post sa social media!"

Sunod na ibinahagi ni Perry ang kanyang opinyon sa mga nagba-bash sa kanya. Ayon kay Kris, may comments silang nababasa na tinatawag si Perry na walang kwenta.

Paglilinaw ni Perry, "Okay lang, 'di ko naman sila makakasama e. Wala akong pakialam sa kanila."

Ibinahagi naman ni Kris na tahimik na tao lang talaga ang kaniyang fiancé.

"Hindi naman siya walang kwenta, it's just that it's really his personality na he's just very quiet. Hindi siya talkative like me."

Saad pa niya, magkaiba lang daw sila ng personality ni Perry.

"He's not even brand conscious as I've said, ako 'yung talagang lahat puro kaartehan. Lahat naano sa akin. Binuhos sa akin ni Lord lahat ng kaartehan 'no? "

Hiling ni Kris ay sana intindihin ng kanyang followers si Perry. Inamin din ng aktres na kahit siya ay nadidismaya minsan sa pagiging tahimik ni Perry.

"Intindihin niyo na, kahit ako at first medyo nakaka-bad trip. 'Di pala at first, at times nakaka-bad trip 'yung pagka-quiet niya."

Dugtong ni Kris, kapag mahal mo ang isang tao ay tatanggapin mo ito.

"But then if you really love a person, you just have to accept the person."

Panoorin ang latest vlog ni Kris kasama si Perry:

Samantala, tingnan ang prenup photos nina Kris at Perry sa gallery na ito: