
Matapos ipa-tattoo ni Stephan Estopia ang mata ni Kiray Celis sa kanyang dibdib, may ilang netizens ang nagsabing magbe-break rin silang dalawa dahil "walang forever."
Marami na kasing celebrities na nagkaroon ng 'couple tattoo' ngunit naghiwalay rin kinalaunan.
Sagot ni Kiray, "Huwag natin lahatin. Hindi lahat ng nagpapa-tattoo, nangyayari 'yun sa kanila."
"Nakadepende 'yun sa dalawang taong nagmamahalan at nagrerespetuhan sa isang relasyon."
Dagdag pa ni Kiray, nakita na niya ang kanyang future na kasama si Stephan kahit magkaiba sila ng ugali at personalidad.
"Ako, gusto ko makahanap ng kagaya ng papa ko. Nung nakausap ko pa lang siya, sabi ko, 'Ito na 'yun.'"
Tingnan ang iba pang nakakakilig na larawan nina Kiray at Stephan dito: