
Ang mga larawan kayang ito ay prenup photos nina Derek Ramsay at Ellen Adarna?
Sa Instagram, kapwa ibinahagi nina Derek at Ellen ang larawan ng isa't isa habang nasa matataas na damuhan.
Makikitang nakangiti ang aktor sa post ni Ellen, habang seryosong larawan naman ng aktres ang ibinahagi ni Derek.
Kung "Hey E!" ang isinulat ni Derek, "Hey D!" naman ang caption ni Ellen.
Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang posts na ito nina Derek at Ellen, tulad na lamang kung ito ba ay prenup photos nila?
"Nangangamoy prenup," sulat ni @just_real.pm.
"Prenup na ba ito?” dagdag ni @iamawoman 22.
"Tuloy na tuloy naaaahhh go go idol! [fangirling] forever!" paghanga ni @camrie22.
"Prenup na sad ani? Congrats mamiii!" pagbati ni @puccachui.
"Ay kilig to the max, kagwapo tito D!" sabi ni @iamgwen.uk.
Noong Setyembre, inamin ni Derek na nagpaalam na siya sa mga magulang ni Ellen para pakasalan ito.
Na-engage sina Derek at Ellen noong Marso sa mismong birthday celebration ng aktres.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang fun family trip nina Derek Ramsay at Ellen Adarna kasama si Elias Modesto: