Celebrity Life

Gabbi Garcia and Khalil Ramos share photos of their date night in Boracay

By Aimee Anoc

Kasalukuyang nasa Boracay si Gabbi Garcia para sa selebrasyon ng kanyang 23rd birthday kasama ang nobyong si Khalil Ramos.

Noong December 3, magkasamang lumipad papuntang Boracay sina Gabbi at Khalil. Ibinahagi ng aktres na ito ang unang beses nila ng aktor sa isla.

Sa Instagram, ipinakita ni Gabbi ang night date nilang dalawa ni Khalil. Caption ng aktres sa mga larawan, "wine night."

Sa naunang post, ibinahagi rin ni Gabbi ang mga larawan niya habang nakasuot ng two-piece high-waisted black swimsuit sa beach.

"Ootd all day, everyday," sulat ng aktes.

Mahigit apat na taon nang magkarelasyon sina Gabbi at Khalil. Unang nagkita ang dalawa noong 2015.

Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa gallery na ito: