GMA Logo Dominic Roque and Bea Alonzo
Celebrity Life

Dominic Roque shares "kilig" photo with Bea Alonzo

By Aimee Anoc
Published December 19, 2021 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Roque and Bea Alonzo


"Best blessing." - Bea Alonzo

Sinorpresa ni Dominic Roque ang kanyang followers sa Instagram nang ibahagi ang isa sa pinaka-sweet na photo nila ni Kapuso actress Bea Alonzo.

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

"2021" simpleng caption ni Dominic, na may kasamang "heart emoji."

Agad namang nagbigay komento si Bea sa post na ito ng aktor, "best blessing," kung saan agad na sinagot ni Dominic ng "Same, I love you."

Apat na buwan na ang nakalilipas nang aminin ni Bea ang tunay na estado ng relasyon nila ni Dominic. Simula noon, naging bukas na sa publiko sina Bea at Dominic sa pagbabahagi ng kanilang relasyon.

Isa na rito ang naging bakasyon nilang dalawa sa Los Angeles, California noong Hulyo kung saan kasama ni Dominic ang aktres sa selebrasyon ng kanyang 31st birthday.

Samantala, tingnan ang sweetest photo nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa gallery na ito: