GMA Logo Marco Alcaraz and Lara Quigaman
Courtesy: marcoalcaraz (IG)
Celebrity Life

Marco Alcaraz's #AsawaTips, muling kinagigiliwan ng ilang netizens

By EJ Chua
Published January 17, 2022 5:35 PM PHT
Updated January 17, 2022 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Alcaraz and Lara Quigaman


#AsawaTips ni Marco Alcaraz, nagsisilbi pa ring inspirasyon para sa ilang netizens.

Isang taon na ang lumipas ngunit patuloy pa ring hinahangaan ng netizens ang aktor na si Marco Alcaraz dahil sa pagbabahagi nito ng ilang “asawa tips” sa kanyang Instagram account.

Kahit kasi kadalasang pabiro ang tono ng mga post ni Marco, mayroong mga aral na mapupulot mula sa mga ito.

Masayang ibinabahagi ni Marco sa pamamagitan ng kanyang mga post ang kanyang mga opinyon tungkol sa mga bagay na dapat pag-usapan at pagkasunduan ng mga mag-asawa.

Ilan sa mga ito ay tungkol sa usapin ng pera, pag-aalaga sa asawa, pagtutulungan sa mga gawaing bahay, pag-iisip ng solusyon sa mga problema, at marami pang iba.

Isa sa bagong tips na ibinahagi ni Marco ay ang tungkol sa tamang pagtrato sa asawa.

“Dapat laging bagong kasal ang pagtrato niyo sa asawa niyo para mas lalong tumamis ang pagsasama ninyo,” pagbabahagi ng aktor.

A post shared by Marco Alcaraz (@marcoalcaraz)

Ibinahagi rin ni Marco ang pagbili niya ng massage chair para sa kanyang asawa.

Kasunod nito ay ang isa pang payo mula kay Marco, “Lagi niyo dapat alagaan mga asawa niyo, bigyan niyo sila ng me time para maalagaan tayo at ang mga anak natin ng mabuti.”

A post shared by Marco Alcaraz (@marcoalcaraz)

Isa pang tip mula kay Marco,"Submit yourself to your wives and you will have a happy marriage."

Ibinahagi ng aktor ang tip na ito kasabay ng isang anniversary greeting para sa kanyang beauty queen at actress wife na si Precious Lara Quigaman.

A post shared by Marco Alcaraz (@marcoalcaraz)

Narito ang ilang komento ng netizens sa #AsawaTips ni Marco:

Ginanap ang civil wedding ceremony nina Marco at Lara sa Vancouver, Canada noong 2011 at idinaos naman ang kanilang Christian wedding ceremony sa Pilipinas noong 2012.

Sa kasalukuyan, mayroon silang tatlong anak na lalaki.

Samantala, kilalanin ang pandemic baby nina Marco at Lara na si Moses Marc sa gallery na ito.