
Halos 20 years nang magkaibigan ang mga aktres na sina Glaiza De Castro at Angelica Panganiban.
Unang nagkasama ang dalawa sa isang teen-oriented TV series sa kabilang istasyon na umere mula 2002 hanggang 2004.
Nang lumipat si Glaiza sa GMA noong 2006, napanatili pa rin nila ang kanilang friendship sa kabila ng network wars. Ayon sa isang past interview ng Kapuso star, kailanman ay hindi naging hadlang ang pagkakaiba nila ng network kaya hanggang ngayon ay intact pa rin ang kanilang pagkakaibigan at makikita ito sa kani-kanilang social media accounts.
Mahilig mag-travel sina Glaiza at Angelica out of the country noong pre-pandemic at hindi rin nakakalimutan ng bawat isa na alalahanin ang kani-kanilang kaarawan.
Noong Nobyembre, magkasama nilang ipinagdiwang ang 35th birthday ni Angelica sa Subic kasama ang iba pa nilang kaibigan tulad ni Maxene Magalona.
Hindi man sila magkasamang nag-celebrate ng kaarawan ni Glaiza, na kasalukuyang nasa Baler, nagbigay naman si Angelica ng birthday greeting para sa kanyang "amigah" kalakip ng throwback photo nila kung saan makikitang tila nagbibigay siya ng birthday message kay Glaiza sa past birthday nito.
Sa caption ni Angge, mensahe niya sa kaibigan, "Mula surprise birthday party sa Bulacan, napadpad na tayo kung saan-saan d'yan.
"Panalangin kong malayong-malayo pa ang marating mo patungo sa mga pangarap mo sa buhay. 'Wag mo lang kalimutang lumingon at kumaway sa aming mga nagmamahal sa 'yo.
"Palagi akong nandito para sa 'yo amigah. Happy birthday d'yan bata!!! Hip bump to the moon and back."
Na-touch naman ang False Positive star sa pagbati ng kanyang long-time friend. Aniya, "Grabe naman 'tong message na ito tsaka 'yung tagal ng litratong ito! Haha salamat amigah! Sa lahat lahat! Mahal kita jan!!"
SIlipin ang "no boundaries" friendship nina Glaiza at Angelica dito: