Celebrity Life

Hale frontman Champ Lui Pio marries longtime partner Claire Nery

By Jimboy Napoles

Ikinasal na ang sikat na bokalista ng bandang Hale na si Champ Lui Pio sa kanyang non-showbiz partner na si Claire Nery nitong Lunes, January 24, 2022.

Sa Instagram, ipinost ni Champ ang ilang wedding photos kasama ang asawa niyang si Claire at ang kanilang anak na si Caden.

Sa St. James the Great Parish sa Alabang ginanap ang intimate wedding ceremony ng dalawa, na dinaluhan lamang ng kanilang mga pamilya at ilang mga malalapit na kaibigan.

Taong 2018 nang ma-engage ang dalawa. October 2019 naman nang isinilang ni Claire ang kanilang anak na si Caden Pio.

Sa isang post, nagbigay naman ng pagbati ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi para sa bagong kasal.

Source: champluipio (Instagram)

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang celebrity weddings sa taong 2021: