
Aminado ang Artikulo 247 actress na si Kris Bernal na nasa adjustment stage pa rin siya pagdating sa buhay may-asawa matapos ang apat na buwan nang ikasal siya sa kanyang non-showbiz husband na si Perry Choi.
Sa pinakahuling vlog ni Kris, ibinahagi niya na may natuklasan siya sa kay Perry sa loob ng kanilang apat na buwan nilang pagsasama.
Kuwento niya, "Alam mo, love, na-realize ko kung ano ka, germophobic ka. May phobia ka talaga sa kahit anong mga dumi. 'Yan ang na-discover ko kay Perry ngayong kasal na kami."
Paglilinaw naman ni Perry, hindi raw siya germophobic, sadyang ayaw niya lamang daw sa ipis at sa dumi.
"Hindi ako germophobic ayoko lang ng may ipis sa bahay kaya nililinis ko agad. Ang ayaw ko yung may buhok sa sahig kaya vina-vacuum ko agad," ani Perry.
Ikinuwento rin ni Kris na hindi naman daw siya sanay sa sobrang linis at pakiramdam niya ay isa ito sa dahilan kung bakit siya nagkakasakit.
"Hindi kasi ako sanay sa sobrang linis, doon ako nagkasakit sobrang walang germs. Sa bahay kasi namin sa Quezon City may alikabok, may bacteria," natatawang sinabi ng aktres.
Samanatala, kasama raw sa New Year's resolutions ni Kris ang maging active sa vlogging ngayong 2022.
Aniya, "I've resumed my YouTuber career! Lol! One of my New Year's resolutions is to be able to post a weekly vlog. Kaya ba, KB?"
Panoorin ang kanyang latest vlog kasama si Perry, DITO:
Abangan naman si Kris sa upcoming GMA Afternoon series na Artikulo 247 kasama sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, at Mark Herras na malapit nang mapanood ngayong 2022.
Samantala, balikan naman ang naging kasalan nina Kris at Perry sa gallery na ito: