GMA Logo bea alonzo and dominic roque
Celebrity Life

Bea Alonzo at Dominic Roque, ikukuwento ang kanilang love story!

By Aedrianne Acar
Published February 12, 2022 5:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo and dominic roque


Mas lalo pa natin makikilala ang kuwento sa likod ng sweet couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Check it out on Bea's vlog tonight, mga Kapuso!

Curious ba kayo kung kailan nangyari ang first kiss nina Bea Alonzo at Dominic Roque? O kailan sila nag-away ng matindi?

Puwes, mas makikilala natin ang showbiz couple na ito sa upcoming vlog ni Bea Alonzo na perfect for the love month.

Source: beaalonzo (IG)

May pasilip ang multi-awarded Kapuso star sa pamamagitan ng isang teaser sa Instagram kung paano nagsimula ang love stori nila ni Dominic. At siyempre, makakasama niya rito ang kaniyang boyfriend na tatanungin niya kung, “Kumusta ang buhay pag-ibig?”

Tugon naman ni Dominic, “Okay naman, Hon”

Hindi naman napigilan ni Bea na biruin si Dominic at sinabing, “Hon, bakit ang seryoso mo? Para kang ano, kinakabahan siya!”

Sa caption naman ng Instagram video, nais ni Bea Alonzo ibahagi sa publiko ang kanilang love story dahil na rin sa nalalapit na Valentine's Day.

Saad niya, “So, eto na nga, we are going to share with you our love story just because it's Valentine's. May naidamay pa kaming witness. Masaya to, kilig lang.

“P.S Pagpasensyahan n'yo na, medyo pabebe ako sa video na ito, napansin ko lang after ma-edit! Sorry po, kinilig lang.”

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Check out the sweetest photos of Dominic and Bea together in this gallery.