
Kinumpleto ni Hayden Kho ang bucket list ng asawang si Vicki Belo nang ibigay niya ang dream car nito bilang kaniyang Valentine's Day gift.
Sa recent vlog ng celebrity doctors at couple, ibinahagi nila ang kanilang naging Valentine's Day date na may iba't ibang romantic setups inspired sa five love languages: word of affirmation, quality time, physical touch, acts of service, at receiving gifts.
Parte ng gimik ni Hayden ay ang pagtatanong ng random questions sa asawa tungkol sa kanilang relationship. Matapos masagot ng doktora ang limang tanong, ibinigay ni Hayden ang isang box kung saan nakalagay ang susi ng isang silver Bentley.
Napayakap naman si Vicki kay Hayden nang makita ang kaniyang pangarap na sasakyan.
"You have been granting [and] fulfilling the wishes of so many people. You make their wishes come true like a fairy godmother. So I thought it's about time somebody grants your wish naman [this time]," mensahe ni Hayden sa kaniyang misis.
Hindi raw akalain ng celebrity cosmetic doctor na magkakaroon siya ng pinapangarap na sasakyan dahil sa mahal na presyo nito.
"'Yung Valentine's [Day], special siya pero of course mga flowers lang, game. Na-freak out naman ako na nagkaroon ako ng dream car," ani Vicki.
"So unexpected kasi kung may bucket list, 'yun na lang naiiwan sa bucket list ko. The car I've been wanting for so long pero every time I look at it parang masyadong mahal," dagdag pa niya.
Matapos ang grand reveal ng surprise Valentine's Day gift, itinuloy nila ang kanilang romantic date sa isa pang setup na inihanda ni Hayden.
Panoorin ang kanilang Valentine's Day vlog sa video na ito:
Taong 2017 nang ikinasal sina Vicki at Hayden sa isang Parisian wedding ceremony. Dalawang taon bago ang kasal ay biniyayaan sila ng kanilang unica hija na si Scarlet Snow.
Samantala, silipin naman ang masayang bakasyon ng pamilya nina Vicki Belo, Hayden Kho, at Scarlet sa Kenya sa gallery na ito.