GMA Logo Carmina Villarroel and Zoren Legaspi
Celebrity Life

Carmina Villarroel, hindi sinusuyo ni Zoren Legaspi tuwing may tampuhan?

By Jimboy Napoles
Published March 3, 2022 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi


Bakit nga ba hindi uso ang suyuan sa mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa tuwing sila ay may tampuhan?

Gaya ng maraming mag-asawa, dumaraan din sa mga simpleng tampuhan ang celebrity couple na sina Carmina Villarroel-Legaspi at Zoren Legaspi.

Halos 10 taon nang kasal ang dalawa kung kaya't kabisado na rin nila ang ugali ng isa't isa.

Sa recent vlog ni Carmina kasama ang asawa na si Zoren, ibinahagi ng aktor na hindi niya sinusuyo si Carmina pagkatapos ng kanilang tampuhan dahil alam daw niya na hindi ito ang gusto ng asawa.

"Hindi kita sinusuyo kasi 'di ka… you're not the type na puwedeng suyuin.

"Kailangan mag subside siya nang kusa, so if it's gonna take one day, two days, a week, two weeks, one month, two months kailangan mag-subside siya nang kusa," ani Zoren.

"So wala kang gagawin?," mabilis na tanong ni Carmina.

Paliwanag naman ni Zoren, matagal daw kasi bago mawala ang tampo ng asawa kaya binibigyan niya raw ito ng oras upang magpalamig.

Aniya, "Wala, kasi 'yun ang character mo [Carmina Villarroel], matagal kang mag subside."

Panoorin ang vlog ng celebrity couple, DITO:

Kamakailan ay bumida sina Carmina at Zoren sa kanilang first Kapuso series together na Stories from the Heart: The End Of Us na tungkol sa istorya ng mag-asawang sinubok ang tatag ng relasyon.

Samantala, subaybayan naman si Carmina bilang si Barbara Sagrado-Dee sa Kapuso suspenserye na Widows' Web gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Balikan naman ang sweet photos nina Carmina at Zoren sa gallery na ito: