GMA Logo Neri Naigs birthday gift
Source: mrsnerimiranda (IG)
Celebrity Life

Chito Miranda, dumating na ang totoong birthday gift niya para sa misis na si Neri Naig

By Aedrianne Acar
Published April 5, 2022 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Neri Naigs birthday gift


Kung nag-iisip kayo ng gift ideas para sa pinakamamahal n'yong asawa, tingnan ang bonggang regalo ng 'Parokya ni Edgar' vocalist na si Chito Miranda para kay Neri Naig.

Nakatutuwa ang kuwento ng OPM icon na si Chito Miranda, tungkol sa birthday gift niya para sa kaniyang misis na si Neri Naig na na-delay nang ilang buwan.

Tuwang-tuwa ang Parokya ni Edgar frontman na matapos ang pitong buwan, mae-enjoy na ng kaniyang lifetime partner ang massage chair na binili niya para makapag-relax ito.

Sa post ni Chito, ipinasilip niya ang larawan ng misis na relax na relax habang ginagamit ang massage chair.

Hirit pa nito, “Happy Birthday, Asawa kooo!!!

“Medyo na-late lang ng [seven] months 'yung birthday wish niya na massage chair pero at least nagamit naman 'yung extension cord na niregalo ko sa kaniya nung actual birthday niya. Mukha namang enjoy na enjoy siya hehe!”

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Samantala, nasagot naman ang tanong ng momtrepreneur na si Neri nang bigyan siya ng mister ng extension cord noong ipagdiwang niya ang kaniyang kaarawan noong September 2021.

Kuwento ng former actress, “Last birthday ko, niregaluhan ako ng asawa ko ng [dalawang] extension cords.... after 7 months, may dumating na babagay daw sa extension cord ko! May maisasaksak ako! Haha!

“Bakit extension cord? A must sa ating mga nanay na palaging may bitbit na mga ganyan, haha! Pero 2 ang binigay ng asawa ko, baka may parating pang isa na pwedeng paggamitan ng extension cord, hehe!”

Labis naman ang pasasalamat ni Neri na aminadong mahilig magpa-masahe at siguradong masusulit niya ang bago niyang massage chair.

Aniya, “Thaaaank you sa asawa ko dahil kahit nasa bahay, makakaramdam ako ng masahe. Sobrang masusulit sa akin eto at sobrang mahilig akong magpamasahe. Ang daming lamig sa likod at paa!.

Pagpapatuloy ni Neri, “Sa lahat ng husbands dyaaaan, perfect gift to sa asawa n'yo. Pramis! Deseeeeeeeerved ng mga wives eto! Kaya spoilin' na si misis at siguradong masaya ang buhay at bahay nyo, hehe!”

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Pitong taon nang kasal sina Chito at Neri.

May dalawa na rin silang anak sina Miggy (2016) at si Cash (October 2021).

Tignan ang magarang bahay ng Miranda family sa gallery na ito.