
Maraming netizens ang kinilig sa sweetness nina Jak Roberto at Barbie Forteza kahit na magkalayo ngayon sa isa't isa.
Kasalukuyang nasa lock-in taping si Jak para sa bagong Kapuso serye na Bolera habang si Barbie naman ay abala sa iba pang mga proyekto sa GMA.
Sa Instagram, ibinahagi ni Jak ang pananabik na muling maka-date si Barbie.
"Miss having coffee with you [Barbie Forteza]," sulat ng aktor.
Agad namang sumagot si Barbie sa post na ito ni Jak at ipinarating kung gaano niya na rin nami-miss ang aktor.
"Awww mahal ko. After taping mo, coffee date tayo. Ako magda-drive! Hahahaha! I love you [Jak Roberto]," sabi ng aktres.
Noong Marso, ibinahagi ni Barbie sa isang post sa Instagram na nag-aral na siyang magmaneho ng sasakyan.
Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Jak Roberto at Barbie Forteza sa gallery na ito: