Celebrity Life

Sexy beach pics ni Beauty Gonzalez, kuha mismo ng kanyang mister

By Marah Ruiz
Published May 30, 2022 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Ang mister mismo ni Beauty Gonzalez na si Norman Crisologo ang kumuha ng ilan sa sexy beach picture ng aktres.

Ipinagdiwang ng Kapuso actress na si Beauty Gonzalez ang kanyang 31st birthday sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang picture kung saan makikita ang kanyang sexy and fit body.

Ayon kay Beauty, ang mister niyang si Norman Crisologo mismo ang kumuha ng mga sexy photos na ito.

"When my husband asked me to pose, I can't say no. 'Yung asawa ko talagang mahilig gumawa ng mga pictorial ko, mga photos ko sa Instagram," bahagi ng aktres.

Masaya daw si Beauty na supportive at encouraging ang asawa. Ito pa raw mismo ang naghihikayat sa kanya na mag-post ng mga litrato niya.

"He's the one pushing me to post and flaunt what I have. I really appreciate him for doing that," aniya.

Samantala, bahagi si Beauty ng bagong GMA Telebabad series ng The Fake Life. Sa set mismo ng serye siya nag-celebrate ng kanyang birthday na pumatak noong May 28.

Kahit hindi nakasama ang kanyang pamilya sa kanyang kaarawan, grateful pa rin daw si Beauty.

"I'm happy to be here. I'm happy to be working on my birthday. I have a family here. Sila ang naging pamilya ko na rin dito. Hindi na rin ako maysadong na homesick kasi magtu-two months na rin 'yung lock-in namin eh," paliwanag niya.

Sa ngayon daw, priority niya ang kanyang mental health.

"Always remember to choose those who choose you. Take care of yourself. Life is beautiful. Don't forget na you have to be happy to give love to everybody," paalala ni Beauty.

Panoorin ang buong panayam ni Cata Tibayan kay Beauty sa video sa itaas. Maaari n'yo ring panoorin ito DITO.

Samantala, mamangha sa kagandahan ni Beauty sa black and white gallery na ito: