
Sa kabila ng sunod-sunod na breakups ng ilang mga celebrity couples ngayon, kumpiyansa ang young comedienne-actress na si Kiray Celis na hindi sila maghihiwalay ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kiray ang sweet photos nila ni Stephan habang nasa tila isang resort. Kalakip nito ang matapang na caption ni Kiray.
Aniya, "Parehas kaming naloko. Kaya ayaw namin gawin sa ibang tao. Walang lokohan. Hanggang sa dulo."
Kapansin-pansin din ang ginamit na hashtag ni Kiray.
"#HindiLahatHiwalaySa2022," dagdag pa niya.
Matatandaan na naging trending noong nakaraang taon sina Kiray at Stephan nang ipa-tattoo ng huli sa kanyang dibdib ang mga mata ng girlfriend at nasundan pa ito nito lamang Pebrero nang ang buong pangalan naman ni Kiray ang ipina-tattoo ni Stephan sa kanyang braso.
Kapitbahay lamang noon ni Kiray si Stephan na kaibigan din ng kanyang kuya. Dahil sa paglalaro ng Mobile Legends kaya mas naging close raw ang dalawa hanggang sa mapagpasiyahang ligawan na ni Stephan ang aktres. Ngayon, mahigit dalawang taon na silang in a relationship.
Silipin ang “road to forever” na relationship nina Kiray at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan sa gallery na ito: