GMA Logo Andrea Torres
PHOTO SOURCE: @andreaetorres
Celebrity Life

Andrea Torres talks about self-love and self-discovery after her breakup

By Maine Aquino
Published August 28, 2022 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI press conference (Dec. 10, 2025) | GMA Integrated News
Love You So Bad stars complete "Love You ___" according to their characters | Online Exclusive
MRT-3, LRT-2 adjust operating hours for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Ayon kay Andrea Torres, may mga natutunan siya sa kanyang sarili mula sa kanyang pinagdaanang controversial breakup.

Nakatutok na si Andrea Torres sa self-love at self-discovery pagkatapos niyang dumaan sa isang controversial breakup.

Matatandaang naging maugong ang hiwalayan nina Andrea at Derek Ramsay noong December 2020. Hindi man natukoy ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, naging usap-usapan pa rin ang pagtatapos ng kanilang relasyon.

PHOTO SOURCE: @andreaetorres

Sa pagbisita ni Andrea sa YouTube channel ni Camille Prats, ibinahagi niya ang mga nadiskubre niya sa sarili nang humarap siya sa isang masakit na hiwalayan.

Ani Andrea, "Kailangan mayroon ka ring identity. Kailangan i-spoil mo ang sarili mo. Hindi definition ng love 'yung ganoon na kailangan give, kailangan lahat lahat ibuhos mo. Kailangan balance with everything talaga."

Ayon kay Andrea, dahil sa kanyang pinagdaanan, natuklasan niyang ibibigay sa kanya ang tamang tao kapag siya ay handa na.

"Ibibigay naman siya ni Lord kapag ready na. At saka Mars, nandoon na ako sa point na siguro 28 pa lang ako, sinabi ko ready na akong ikasal. Pero ngayon na-realize ko na ang dami ko pa palang gustong gawin."

Sa ngayon, ibinibigay ni Andrea ang kanyang atensyon sa pag-discover ng kanyang sarili at sa self-love.

Kuwento ng Kapuso star, "Na-enjoy ko yung pag-discover ng sarili ko. Ang sarap 'pag na-in love ka sa journey ng self-love and self-discovery."

NARITO ANG MUST-SEE SEXY PHOTOS NI ANDREA TORRES: